KONSEPTO NG ALOKASYON
Ang alokasyon ay isinasagawa upang hindi
humantong sa pagkaubos ang mga limitadong pinagkukunang
yaman. Iniiwasan din na
magkaroon ng mga pagkakataon na kung saan ang mga pangunahing pangangailangan
at kagustuhan ng tao ay hindi kayang matugunan. Ang alokasyon ay isang paraan
upang makamit ang mga layunin ng mga kasapi sa isang ekonomiya.
Kadalasan, ang alokasyon ay
pinakakahulugan bilang distribusyon ng mga pinagkukunang yaman. Ngunit sa
katotohanan ay magkaiba ang konsepto ng alokasyon at distribusyon. Muli, ang
alokasyon ay tumutukoy sa paglalaan ng mga pinagkukunang yaman alinsunod sa
tinutugunang pangangailangan at kagustuhan.
Samantala, ang distribusyon ay
paraan kung paano ipinamamahagi ang kabuuang produkto at kita sa iba’t ibang
salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at capital.