BAKIT ANG KAKAPUSAN AY ISANG SULIRANING PANLIPUNAN
Ang kakapusan ay isang suliraning
pang-ekonomiya. Ngunit kadalasan, nagiging isang suliraning panlipunan
ang
kakapusan.
Kaguluhan
Maraming digmaan, tunggalian ng mga
pangkat, o away ng mag-anak na ang pinag-uugatan ay pagkamkam o hidwaan sa
hangganan ng mga pag-aarin pinagkukunang-yaman tulad ng lupain. Ang
pakikipaglaban ng ibang tao sa kanilang karapatan sa pagmamay-ari ay kadalasang
nagiging marahas at madugo. Kalimitan, nauuwi ito sa pagpaslang sa kapwa,
pananakop, pang-aapi sa mga nagapi, pagpupumilit ng kagustuhan kahit labag sa
kalooban ng ibang tao, pagtanggi sa ibang lipi, o poot sa mga kamag-anak na
nauuwi rin sa away ng mga angkan. Natututo ang mga tao na makipagkompetensiya
sa isa’t isa para makapagmay-ari ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Pagtaas ng Presyo ng
Bilihin
Dahil sa kakapusan, karamihan ng mga
bagay ay hindi libreng makakamtan. Mayroon itong katapat na halaga at kailangan
itong bilhin. Ito ay tinatawag na mga bilihin o produkto. Kailangan ng mga
itong magkaroon ng halaga o presyo upang hindi tuluyang maglaho.
