HAMON SA KAKAPUSAN

Maraming samahan sa buong daigdig ang naniniwala na may solusyon ang suliranin ng kakapusan. Sa mga
nagmamalasakit sa kapaligiran, binuo nila ang mga programang pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran. Kabilang sa mga isinulong ng mga programang pangkonserbasyon ang sumusunod:
1.       Pagtatanim ng mga puno sa mga nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.
2.       Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon.
3.       Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance.
4.       Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop.


Opportunity Cost
Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang wastong pagpili sa mga bagay na nais niyang gawin o mga produktong nais niyang bilhin. Halimbawa, ipagpalagay na maaari niyang gamitin ang kanyang oras sa pagbabasa ng libro o paglalaro. Dahil sa kakapusan sa oras, ang pagpili ng kahit ano sa dalawa ay nangangahulugang bibitawan o isusuko ang isa.
Ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan upang makamit ang isang bagay.


Previous
Previous

Dep Ed K-12 Curriculum Guide Senior High School Contextualized_Research in Daily Life 1

Next
Next

Dep ED K-12 Curriculum Guide Senior High School Contextualized_English for Academic and Professional Purposes