ANG SESTEMANG PANG-EKONOMIYA. Araling Panlipunan 10
Ang sestemeng pang-ekonomiya ay paraan
ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang
makatugon sa
suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan. Kung hinahangad na matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan, kinakailangang may alokasyon ng mga
pinagkukunang yaman. Layunin ng isang sestemang pang-ekonomiya na mapigilan ang
labis-labis na paglikha ng mga kalakal o serbisyo at maiwasan ang kakulangan sa
mga bagay na ito.
Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa
tatlong katanungan.
Una, ano-anong kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami
ito? Nakapaloob ditto ang pagpili sa mga bagay na dapat likhain at kung ano-ano
ang maaaring gawing alternatibo para sa mga ito.
Ikalawa, paano lilikhain ang mga kalakal at serbisyong ito? Nakapaloob ditto
kung sino-sino ang lilikha ng mga bagay at kung ano anong pamamaraang
panteknolohiya ang gagamitin upang maisakatuparan ito. Ikatlo, para kanino ang mga malilikhang kalakal at serbisyong ito?
Nakapaloob dito kung sino sino ang makikinabang sa mga malilikhang kalakal o
serbisyo at kung paano maisasagawa nang mahusay ang distribusyon ng mga ito.
