Mga Unang Kaisipan sa Ekonomiks, Rebolusyong Industriyal, at Adam Smith

Adam Smith
Unang Kaisipan sa Ekonomiks
Kauna-unahang kaisipan sa ekonomiks ang masinop na pagdedesisyon ng isang pinuno. Layunin sa kaisipan
na tumugon ang pinuno sa mga pangangailangan ng nasasakupan nang higit na inaasahan. Mahalagang ipaubaya ito ng pinuno sa mga taong may kakayahang tapusin ang iba't ibang aspekto ng paglilingkod. Ito ang division of labor. Tinatayang unang tinalakay ang kaisipang ito sa aklat na Oeconomicus na isinulat ng pilosopong si Xenophon (circa 430 B.C.E.). Halaw ang salitang ekonomiks sa Greek na salitang oikonomia.


Rebolusyong Industriyal
Ang ika-18 siglo ay panahon ng Rebolusyong Industriyal, particular sa England kung saan ito unang naganap. Sa panahong ito nabuo at lumawak ang industriyang pampabrika (manufacturing industry). Pangunahing layunin nito ang mapabilis at mapalago ang produksiyon ng mga pabrika, sumigla rin ang pagnenegosyo at naging daan sa pagyaman ng dating mahihirap.

Adam Smith
Noong 1776, isinulong ni Adam Smith ang sestema ng pamilihan batay sa doktrina ng kapitalismo bilang kanyang sagot sa suliranin. Ayon kay Smith, pamilihan ang magsasaayos ng mga desisyon sa pagbebenta at pamimili ng mga produkto. Tangan ng doktrina  ng kapitalismo ang masinop na paggamit ng mga pinagkukunang yaman. Mahalagang salik ang division of labor sa paglago ng isang ekonomiya.

Previous
Previous

Dep Ed Arts Grade 9 Learner's Materials

Next
Next

Dep Ed Agricultural Fishery AF CURRICULUM MAP