Ang Suplay (Supply) at mga Salik na nakaaapekto sa pagbabago nito

Ang Suplay ay ang dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) ipagbili ng bahay-kalakal sa iba't ibang presyo. Ang suplay ay ang plano ng produksiyon ng bahay-kalakal.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbabago ng Suplay

  • Gastos sa Produksiyon. Ang presyong itinakda sa bahay-kalakal sa kanilang produkto ay dapat na mas mataas sa gastos ng produksiyon upang makakuha ng tubo.
  • Presyo ng kaugnay na produkto. Kalimitan, ang mga bahay-kalakal ay may reaksiyon sa pagbabago ng kaugnay na produkto. Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne ng baka sa pamilihan. Asahang darami ang mag-aalaga ng baka kung sakaling bumaba ang presyo ng karne ng baboy o manok sa pamilihan. Kung anong pananim ang may mataas na presyo sa pamilihan, ito ay pagtutuunan ng pansin ng mga magsasaka.
  • Puwersa ng Kalikasan. Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakakatulong upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng agrikultura. Asahan na mas mataas ang suplay kung may mainam na panahon. Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at iba pa pang natural na kalamidad, bumababa ang suplay lalo na produktong agrikultural.
  • Inaasahan ng mga Negosyante. May ilang negosyante na kapag inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong kanilang kinakalakal ay gumagawa ng mga ilegal na gawain tulad ng hoarding. Ang hoarding ay ang pagtatago ng kalakal na ilalabas lamang sa pamilihan kapag mataas na ang presyo nito.


Previous
Previous

Dep Ed K-12 Curriculum Guide English Grades 1-10

Next
Next

Dep Ed Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology and Livelihood Education Grades 4-6