Ang Monopoly

Ang monopoly ay isang uri ng pamilihan na may iisa lamang bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na
walang malapit na kahalili. Dahil iisa lamang ang bahay-kalakal sa pamilihan, may kapangyarihan itong magtakda ng presyo ng produkto. Sa kawalan ng kakompetensya at ng mapagpipilian, ang mga mamimili ay walang magawa kundi tanggapin ang presyong itinakda ng monopolist.

Upang manatiling monopoly, kailangang mahadlangan ang pagpasok ng bagong bahay-kalakal sa pamilihan. Isang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng patent at copyright.
Previous
Previous

Copyright

Next
Next

2013 Bar Examination Results, Top Ten