Kulturang Peleolitiko

Tanda ng isang matalinong  tao ang kakayahan na gumawa ng mga gamit na mula sa bato. Ang tinutukoy na matalinong tao ay ang ating ninuno na kilala sa bansag na Homo sapiens. Nilikha ng mga Homo sapiens ang kulturang paleolitiko (400,000-8,500 B.C.E.). Ang terminong paleolitiko ay mula sa mga salitang Greek na palaios na ang ibig sabihin ay matanda at lithic na ang ibig sabihin ay bato. Kaya kung pagsasamahin ang dalawang salitang ito, ang panahon ng Paleolitiko ay tumutukoy sa Old Stone Age.


Sa panahong ito, ang taong paleolitiko ay umasa nang malaki sa kanyang kapaligiran. Madalas na ang mga lalaki ay nangangaso samantalang ang mga babae ay nangangalap ng pagkain sa kapaligiran at nagbabantay ng apoy na ginagamit sa pagluluto, pagbibigay ng init at bilang proteksyon sa mga mabangis na hayop. Masasabing mahalagang tuklas sa panahong ito ang apoy.
Previous
Previous

Kulturang Mesolitiko

Next
Next

June 2013 Nurse Licensure Examination Results