Iba't Ibang Suliraning Pangkapaligiran sa Hilagang Asya
Malawak ang lupaing nasasakop ng mga bansang Kazakhstan, Uzbekistan, Turkmenistan, Kyrgyzstan,, at Tajikistan. Hindi gaanong maunlad ang mga bansang ito subali't sa kasalukuyan ay kinakaharap nila ang ilang kritikal na suliraning pangkapaligiran.Mayaman ang Kazakhstan sa mineral kaya malalaking minahan ang itinatag dito simula noong 1830 upang masaid ang mga depositong mineral. Gayunpaman, hindi naging moderno ang mga minahan na ito at ngayon ay nagdudulot ng malubhang polusyon sa hangin. Samantala, sa kanlurang bahagi ng Kyrgyzstan, marami ang planta ng uranium na naglalabas ng mga radioactive waste. Ang mga dumi na ito ay nanganganib na dumaloy sa ilog ng katabing bansa na Uzbekistan.
Bukod dito, simula pa noong dekada '50, malala narin ang problema sa gitnang Asya sa erosyon ng lupa, lalo sa bahagyang tuyong bahagi ng hilang steppes.
Kahagahan ng Ecological Balance
Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekilohikal ng rehiyon, tiyak na makaaapekto ito nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Dapat nating isispin na bunga ng kalakihan ng sakop na teritoryo ng kontinente ng Asya, ang mga problemang ekolohikal na nararanasan ng mga Asyano sa isang rehiyon ay posible ring maging suliranin ng mga tao sa karatig rehiyon o maging ng mga mamamayan sa buong daigdig.