Sukat ng Pitong Kontinente

Mapupuna na nag-iiba ang sukat ng kalupaan dahil sa paiba-iba rin ang paraan ng pag sukat ng kanya-kanyang nasasakupan. Ang pagkakaiba, halimbawa, ay kung kasali ba ang mga panloob na katubigan at mga baybayin o hindi.
Mapupuna rin sa unang tingin sa globo na hindi pantay ang distribusyon ng kalupaan sa daigdig. Ang kalupaang hemisphere o hating-globo na nakasentro sa hilagang-kanluran ng Europe and bumubuo ng 81 porsyento ng kabuuang kalupaan. hanggang sa kasalukuyan, wala pang tiyak na kasgutan kung bakit higit na malaki ang kalupaang ito sa mundo. May mga teorya na ipinanukala upang sagutin ang mag ito;

  1. Teorya ng Dalawang magkaibang Tipo ng Bato. Sinasabi nito na humiwalay ang isang tipo ng bato sa ibang bato habang lumalamig ito. Pumaitaas ang magaan at bumuo ng ibang masa ng lupain. Naniniwala ang nagpanukala ng nasabing teorya na umusad ang mga kontonente, taliwas sa paniniwala ng iba.
  2. Wegener Thesis. Nagpanukala si Alfred L. Wegener, sumulat ng Origin of the Continents and Oceans, na dating magkakasama ang lahat ng mga kontinente. Dahil sa pagkakauga ng mga bagay sa ilalim ng kalupaan, unti-unting umaanod na pahiwalay ang mga kontonente. Sinusugan ang nabanggit na teorya ng maraming siyentista.

Kontinente
Sukat

Milya Kwadrado
Milya Kwadrado
Asia
17,120,000
44,339,000
Europe
4,054,050
10,500,000
Africa
11,710,500
30,330,000
North America
9,266,400
24,000,000
South America
6,872,580
17,800,000
Antarctica
5,470,000
14,160,000
Australia or Oceana
2,972,970
7,700,000
Kabuuan
57,466,500
148,829,000

RELATED POST:
Katangiang Pisikal ng Asya
Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
Ang Konsepto ng Asya
Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya
Mga Likas na Yaman ng Asya

We are giving FREE Selling and Business Consultation; please click the link below,

We prepare Speech and Messages; please click the link below,

Previous
Previous

Harvesting, Post-harvest Handling, and Marketing Spice Crops

Next
Next

Philippine Climate and Planting Calendar