Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Ang salitang monsoon ay hango sa salitang Arabong mausin na nangangahulugang season. Ito ay hanging nagtataglay ng ulan. Ito rin
ay nangangahulugang “salitan at magkakasalungat na hangin” o alternating
opposing winds o seasonal winds.
Sa Timog Silangang Asya, tunutukoy nito ang pagbabago ng
direksiyon ng hangin mula sa kontinente patungo sa karagatan o northeast
monsoon na mula Nobyembre hanggang Pebrero, at mula sa karagatan patungo sa
kontinente o southwest monsoon na mula Mayo hanggang Setyembre. Ang northeast
monsoon, na tinatawag sa Pilipinas na hanging amihan, ay nagmumula sa Siberia.
Ito ay nagdudulot ng mababang temperature subalit walang dalang masyadong
pag-ulan. Sa kabilang dako, ang southwest monsoon o hanging habagat sa atin, ay
nagdadala ng matinding ulan sa silangang baybayin ng Timog Silangang Asya.
Samantala, may kahinaan ang hangin sa panahon ng intermonsoon season o ang mag
buwan ng Oktubre at Abril na pagitan ng dalawang monsoon.

Ang pagsasalit-salit ng mga hanging ito ay lubhang napakahalaga
sa mga paglalayag na nagaganap sa rehiyong ito ng Asya. Dahil ditto, nagkaroon
ng ugnayan ang mga lugar ng Aden sa Arabia at baybayin ng Bombay sa India,
baybayin ng Coromandel sa India at Myanmar, sa pagitan ng Malaya at katimugan
ng China, at sa pagitan ng Japan at hilagang bahagi ng China.
RELATED POST:
Katangiang Pisikal ng Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
Ang Konsepto ng Asya
Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya
Mga Likas na Yaman ng Asya
We are giving FREE Selling and Business Consultation; please
click the link below,
We prepare Speech and Messages; please click the link below,