Ang Klima sa Asya


Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang panahong (average weather) nararanasan sa isang lugar sa loob ng mahagang panahong. Ayon sa World Meteorological Association, ang panahong nasasaklaw ay karaniwang nagtatagal ng 30 taon. Kabilang sa mga elementong napapaloob sa klima ay ang temperaturang nakapaloob sa klima ay ang temperature ng isang lugar, ulan (precipitation), at hangin.
Ang klima ng isnag lugar ay naapektuhan din ng iba’t ibang salik. Pangunahin sa mga ito ay ang lokasyon ng isang lugar sa mundo. Nariyan din ang impluwensiya ng topograpiya (tulad ng pagkakaroon ng kabundukan), ang uri o dami ng mga halaman(tulad ng pagkakaroon kagubatan o damuhan), at maging ang lapit o layo ng isang lugar sa mga anyo ng tubig.

Ang malaking bahagi ng Asya ay nakararanas ng klimang continental. Katangian nito ang malaking pagbabago at agwat ng temperatura taun-taon. Ang hanging nakararating sa Asya na nagmumula sa Atlantic Ocean matapos dumaan sa Europa at Africa ay nagiging hanging continental.

Ang hanging nagmumula sa Pacific Ocean ay nararanasan lamang sa silangang bahagi ng Asya. Ito ay dahil narin sa epekto ng mga kabundukan na nagsisilbing harang sa daloy ng ihip ng hangin. Mula naman sa hilaga, ang hanging nagmumula sa Arctic ay malayang nakapapasok sa kontinente. Sa katimugan, ang mga hanging tropical at equatorial ang siyang nararanasan. Gayunpaman, ang pagpasok ng mga ito sa gitnang bahagi ng Asya ay nalilimitahan ng matataas ng mataas na bahagi ng lupain.

We are giving FREE Selling and Business Consultation; please click the link below,

We prepare Speech and Messages; please click the link below,
http://bitsformovingup.blogspot.com/2012/03/deliver-impressive-speech-and-share.html
Previous
Previous

Harvesting, Post-Harvest Handling, and Marketing of Commercial Crops

Next
Next

Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya