Mga Unang Tao sa Daigdig at Kanilang Distribusyon

Resulta ng larawan para sa unang taoAyon sa mga antropolihista na naniniwala sa ebolusyon, nabuhay ang ninuno ng tao sa pagitan ng dalawang milyon hanggang 20,000 BCE (Before Common Era)

Australopithecine
Unang natagpuan and Australipiticine sa South Africa at nahahati sa tatlong pangkat: Ang Australopithecus na maaaring nabuhay sa pamamagitan ng pagkain ng mga halaman at karne; ang Paranthropus na higit na primitibo sa Australopithecus at nabuhay sa halaman lamang.



Homo Erectus
Mga taong nakatayo o taong naglalakad nang tuwid ang ibig sabihin ng Homo Erectus. Maaaring nabuhay sila sa Silangan at Timog silangang Asya, Europe at Africa. Higit na malaki ang Homo Erectus kesa Australopithecine at malaki rin ang utak nito kaysa una. May apat na labi ng Homo erectus ang natuklasan na sa mundo.

Taong Java
Tinawag itong Pethecanthropus erectus ni Eugene Dubois, isang siyentistang Olandes na nakatagpo sa labi nito noong 1891 sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesia. Ipinapalagay na may 500,000 hanggang 750,000 taon ang itinagal nito sa daigdig. Ito ang kauna-unahang labi ng Homo erectus na natuklasan ng tao.
Taong Zambia
Kauri ito ng Taong Java, isa ring Homo erectus na nadiskubre sa Zambia noong 1921.
Taong Peking
Tinatawag na Sinanthropus erectus pekinensis ang natagpuan sa Peking, China sa yungib ng Chow kon Tien noong 1927. Natutuhan ng Taong Peking ang paggamit ng apoy. Natuto narin and Taong Peking na Peking na kumain ng berry sapagkat natagpuan din sa naging tirahan nila ang mga buto nito.
Taong Heidelberg
Isa pang labi na natagpuan ng mga siyentista na tumutugma sa Homo erectus ang Taong Heidelberg sa Heidelberg, Germany.

Homo Sapiens
Tinaguriang Taong nagiisip ang Homo sapiens, ang pinaka advanced sa lahat ng unang tao dahil higit na malaki ang utak nito. Mga halimbawa nito ang Taong Tabon, Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon.


Taong Neanderthal
Nadiskubre ang mga labi nito sa ilog ng Neander sa Germany noong 1856. Maaaring nabuhay sila sa pagitan ng 70,000 BCE hanggang 50,000 BCE. Pandak sila, malaki ang pangangatawan, malalaki ang tila mabigat na mga panga, makapal ang noo at malaki ang ilong.
Taong Cro-Magnon
Maaaring nabuhay ang taong Cro-magnon noong 40,000 BCE pagkaraang mawala ang mga Neanderthal. Nakita ang mga labi nito sa France na lubhang napakalamig noon kaysa kasalukuyan. Nagyeyelo noon sa Pulong Hilaga at nagpatuloy sa Timog Europe. Palatandaan ito na malamig ang panahon sa kinaroroonan ng taong Cro-magnon dahil natagpuan itong napaliligiran ng mga labi ng mga hayop at halamang nabuhay sa malalamig na lugar.
Taong Tabon
Natuklasan ito ng Amerikanong antropolohistang si Robert Fox kasama ang mga antropolohista ng Pambansang Museo ng Pilipinas noong 1962. Isa pa rito sa F. landa Jocano, isang Pilipinong antropolohista. Natagpuanang labi ng Taong Tabon sa mga yungib sa Tabon, Quezon sa Palawan.


Previous
Previous

Importing Images into Photoshop

Next
Next

History of Computer