
Binulok na dumi ng baka, kabayo o kalabaw – kalahating sako Plastic na drum – 200 litro ang laman Tubig Pabigat |  |
|
1. IIagay sa sako ang binulok na dumi ng hayop 2. Taliang mabuti, lagyan ng pabigat at ibabad sa drum na may tubig 3. Takpan at hayaang maburo ng 1 linggo 4. Kung gagamiting pahabol na abono, idilig ng puro tuwing ika-30, 45, at 60 araw 5. Kung malimit namang gagamitin, bantuan ng tubig (1:1) 6. Maaaring idilig sa bunton ng kinokompost para bumilis ang pagkabu- lok at madagdagan ang makabuluhang
mikrobyo. |
1 kilong pinatuyong ipot ng manok 20 litrong tubig 1 kilong pulang asukal plastic drum (20 litro ang laman)
|
Paghahanda:
1. Tunawin ang 1 kilong pulang asukal sa 20 litrong tubig 2. Ibabad ang binulok na ipot ng manok na nakasilid sa sako o net bag 3. Buruhin ng 1 linggo 4. Maaari ng gamiting abonong pambomba at pandilig. |  |
|
Paghahanda:
1. Tunawin ang 1 kilong pulang asukal sa 20 litrong tubig 2. Ibabad ang binulok na ipot ng manok na nakasilid sa sako o net bag 3. Buruhin ng 1 linggo 4. Maaari ng gamiting abonong pambomba at pandilig. |
BINURONG KATAS NG HALAMAN
|
1 kilong tinadtad na katawan 1 kilong pulang asukal ng saging plastik na lalagyan
|
Paghahanda:
1. Paghaluin ang tinadtad na katawan ng saging at pulang asukal 2. Ilagay sa net bag 3. Daganan ng pabigat (plastik na may tubig) 4. Takpan ng papel at imbakin ng 5 – 7 araw sa isang madilim at tuyong lugar 5. Maaari nang gamiting abono para sa dahon o idilig sa kamang taniman 6. Tatlong kutsarang binurong katas ng halaman sa 1 galong tubig ang timpla. |
Anim (6) na pulgadang tuyong sangkap: dahon dayami damo at iba pang matagal mabulok Tatlong (3) pulgadang basang sangkap: dahon ng kakawate ipil-ipil at iba pang legumbre tuyong dumi ng nabubulok na bagay galing sa kusina hayop Isang (1) pulgadang malusog na lupa
|
Paraan ng Paggawa:
1. Ilatag muna ang 6 na pulgadang tuyong sangkap2. Ipatong ang 3 pulgadang basang sangkap3. Latagang muli ng 1 pulgadang malusog na lupa at diligan ng “tea manure”.4. Ituloy ang pagbubunton hanggang umabot sa taas na 4-5 piye5. Lagyan ng suportang kahoy sa paligid upang hindi matumba6. Lagyan ng pasingawan sa gitna7. Takpan ng plastik at hayaang mabulok ng 2-3 buwan. |
LACTOBACILLI ( LACTIC ACID BACTERIA SERUM )
|
Hugas bigas Garapon Papel na pantakip Gatas (fresh o powdered) | |
|
Paghahanda:
1. Ibuhos ang hugas-bigas hanggang sa kalahatian ng garapon2. Takpan ng papel makalipas ang 5 minuto at talian3. Ilagay ang garapon sa madilim na bahagi4. Hayaang maburo hanggang 5 araw5. Salain at itabi |
Paggawa ng Lactic Acid Bacteria Serum (LABS)
1. Maglagay ng binurong hugas-bigas sa bagong garapon, 1 bahagi2. Buhusan ng 10 parteng kinanaw na gatas3. Haluing mabuti, takpan ng papel at ilagay sa madilim na lugar4. Buruhin ng 5 – 7 araw5. Pagkatapos ay salain6. Ang matirang sabaw ay nagtataglay ng lacto bacilli, ito ang tinatawag na lactic acid bacteria serum |
Paano gamitin:
Magtimpla lamang ng 3% LABS at maaaring gamiting:
1. Inumin ng mga alagang hayop upang gumanda ang kundisyon ng tiyan 2. Pandilig sa bunton ng kinokompost upang bumilis ang pagkabulok 3. Pangbomba sa halaman upang lumakas ang resistensiya laban sa sakit at peste |
Iba pang bagay na nagpapabilis sa pagkabulok ng kompost:
1. Tuyong dumi ng hayop 2. Nabubulok na basura 3. Kompost 4. Lupa 5. Ihi |
Mga legumbre katulad ng:
Munggo Soya bean Velvet bean Mani Sesbania Paayap
|
Pagtatanim:
1. Isabog ang mga binhi sa lupang tataniman 2. Hayaang tumubo ang mga halaman mula 30-45 na araw o hanggang sa panimulang pamumulaklak 3. Araruhin ang mga halaman at ihalong mabuti sa lupa |
1. Maghanda ng tuyong ipa, drum at pasingawan na screen 2. Magrolyo ng kalahating metrong screen, lagyan ng dyaryo sa loob at itayo sa gitnang bahagi ng drum 3. Buhusan ng ipa ang palibot ng screen sa loob ng drum, siksikin at takpan ng lupa. Huwag takpan ang singawan 4. Sindihan ang dyaryo at hayaang mag-apoy at mauling ang ipa 5. Maaari ng gamitin paglamig ng ipa |
PAGGAWA NG PAMBOMBA SA PESTENG KULISAP AT SAKIT MULA SA KATAS NG HALAMAN
|
1. Magdikdik ng 20 – 50 g buto ng neem 2. Ihalo sa 1 litrong tubig at ibabad magdamag 3. Salain at gamiting pambomba |
Mahusay para sa:
Salagubang, aphids, bukbok, diamondback moth, stem borer, army worm, nematodes, mites, grasshopper, rice at corn borer, leafhopper, termite, leaf miner, fruit fly at iba pa. |
1. Magdikdik ng 25 piraso ng sili 2. Ihalo sa 1 galong tubig 3. Lagyan ng 1 kutsaritang sabon (Perla o Surf o ordinaryong Tide upang maging madikit) 4. Gamiting pambomba laban sa uod, aphids at iba pang malalambot at maninipis na katawang insekto. |
1. Dikdikin at katasin ang dahon at sanga 2. Bantuan ng tubig 3. Gamiting pambomba laban sa cutworm, flies, plant hopper |
1. Dikdikin ang dahon, ugat at bulaklak 2. Ibabad sa tubig magdamag 3. Salain at gamiting pambomba laban sa nematodes, green leaf hopper, diamondback moth |
1. Magdikdik ng 1 kg. sibuyas 2. Ibabad sa 7 litrong tubig magdamag 3. Salain at gamiting pambomba laban sa mga sakit dulot ng amag tulad ng Cercospora, Fusarium, Colletotrichum, atbp. |
1. Pakuluan ang 1 ulo ng bawang 2. Palamigin at gamiting pambomba laban sa Alternaria, Cercospora, Collettrichum, Curvularia, atbp |
- Hindi gumagamit ng mga nabibiling pestisidyo at pataba.
- Gumagamit ito ng maraming kompost, dumi ng hayop, kilib, green manure, binurong katas ng halaman, salit-tanim, palit-tanim,halo-halong pagtatanim at sunod-sunod na pagtatanim upang mapalusog ang lupa, masugpo ang damo, sakit at insekto, makatipid sa tubig at dalas ng pagdidilig.
- Makakaani ng ligtas at masustansiyang pagkain.
- Maiiwasan ang pagkalason ng lupa at tubig.
- Mapapangalagaan ang kalikasan.
|
| Dahilan ng Pag - oorganiko |
- Maiiwasan ang masamang epekto ng kemikal sa kalusugan ng katawan.
- Maiiwasan ang masamang epekto ng mga pestisidyo sa kalikasan, hayop, buhay-ilang, lupa, tubig at hangin.
- Maisasa-alang-alang at mabibigyang halaga ang lahat ng may buhay.
- Isang magaan na paraan ng pamumuhay.
|
| Mga Pamantayan sa Pag - oorganiko |
- Pagtatanim ng binhing galing sa organikong halaman
- Paggamit ng organikong pataba
- Hindi paggamit ng pestisidyo o lason sa pagsugpo ng peste at sakit.
- Malayo sa tanimang gumagamit ng mga kemikal (pestisidyo atpb.)
- Paggamit ng pamamaraang nagsasaalang-alang sa kalikasan at lahat ng mga nilalang
|
1 Vegetable and Special Crops Section Crop Genetics and Plant Breeding Division Crop Science Cluster – Institute of Plant Breeding College of Agriculture U.P. at Los Baños, College, Laguna |
Source
|