Skip to main content

How to Make and Prepare Organic Fertilizer




TEA MANURE 1

Materyales
 Binulok na dumi ng baka, kabayo
o kalabaw – kalahating sako
Plastic na drum – 200 litro ang
laman
Tubig
Pabigat
 

Paraan ng Paggawa:

1. IIagay sa sako ang binulok na dumi ng hayop
2. Taliang mabuti, lagyan ng pabigat at ibabad sa drum na may tubig
3. Takpan at hayaang maburo ng 1 linggo
4. Kung gagamiting pahabol na abono, idilig ng puro tuwing ika-30, 45,
    at 60 araw
5. Kung malimit namang gagamitin, bantuan ng tubig (1:1)
6. Maaaring idilig sa bunton ng kinokompost para bumilis ang pagkabu- lok at madagdagan ang     makabuluhang

mikrobyo.


TEA MANURE 2 ( BOKASHI )

Materyales

1 kilong pinatuyong ipot ng manok 20 litrong tubig
1 kilong pulang asukal plastic drum (20 litro ang laman)
 Paghahanda:
1. Tunawin ang 1 kilong pulang asukal sa 20     litrong tubig
2. Ibabad ang binulok na ipot ng manok na     nakasilid sa sako o net bag
3. Buruhin ng 1 linggo
4. Maaari ng gamiting abonong pambomba at     pandilig.
 

Paghahanda:
1. Tunawin ang 1 kilong pulang asukal sa 20 litrong tubig
2. Ibabad ang binulok na ipot ng manok na nakasilid sa sako o net bag
3. Buruhin ng 1 linggo
4. Maaari ng gamiting abonong pambomba at pandilig.


BINURONG KATAS NG HALAMAN

Materyales

1 kilong tinadtad na katawan                      1 kilong pulang asukal
ng saging                                                  plastik na lalagyan

Paghahanda:
1. Paghaluin ang tinadtad na katawan ng saging at pulang asukal
2. Ilagay sa net bag
3. Daganan ng pabigat (plastik na may tubig)
4. Takpan ng papel at imbakin ng 5 – 7 araw sa isang madilim at tuyong lugar
5. Maaari nang gamiting abono para sa dahon o idilig sa kamang  taniman
6. Tatlong kutsarang binurong katas ng halaman sa 1 galong tubig ang timpla.


KOMPOST

Materyales
Anim (6) na pulgadang tuyong sangkap:
dahon                                    dayami
damo                                     at iba pang matagal mabulok
Tatlong (3) pulgadang basang sangkap:
dahon ng kakawate                 ipil-ipil at iba pang legumbre
tuyong dumi ng                       nabubulok na bagay galing sa kusina
hayop
Isang (1) pulgadang malusog na lupa

Paraan ng Paggawa:
1. Ilatag muna ang 6 na pulgadang tuyong sangkap2. Ipatong ang 3 pulgadang basang sangkap3. Latagang muli ng 1 pulgadang malusog na lupa at diligan ng “tea
   manure”.
4. Ituloy ang pagbubunton hanggang umabot sa taas na 4-5 piye5. Lagyan ng suportang kahoy sa paligid upang hindi matumba6. Lagyan ng pasingawan sa gitna7. Takpan ng plastik at hayaang mabulok ng 2-3 buwan.


LACTOBACILLI ( LACTIC ACID BACTERIA SERUM )
Materyales

 
Hugas bigas
Garapon
Papel na pantakip
Gatas (fresh o powdered)
Paghahanda:
1. Ibuhos ang hugas-bigas hanggang sa kalahatian ng garapon2. Takpan ng papel makalipas ang 5 minuto at talian3. Ilagay ang garapon sa madilim na bahagi4. Hayaang maburo hanggang 5 araw5. Salain at itabi

Paggawa ng Lactic Acid Bacteria Serum (LABS)
1. Maglagay ng binurong hugas-bigas sa bagong garapon, 1 bahagi2. Buhusan ng 10 parteng kinanaw na gatas3. Haluing mabuti, takpan ng papel at ilagay sa madilim na lugar4. Buruhin ng 5 – 7 araw5. Pagkatapos ay salain6. Ang matirang sabaw ay nagtataglay ng lacto bacilli, ito ang tinatawag na lactic acid bacteria    serum


Paano gamitin:
Magtimpla lamang ng 3% LABS at maaaring gamiting:
1. Inumin ng mga alagang hayop upang gumanda ang kundisyon ng tiyan
2. Pandilig sa bunton ng kinokompost upang bumilis ang pagkabulok
3. Pangbomba sa halaman upang lumakas ang resistensiya laban sa
    sakit at peste

Iba pang bagay na nagpapabilis sa pagkabulok ng kompost:
1. Tuyong dumi ng hayop
2. Nabubulok na basura
3. Kompost
4. Lupa
5. Ihi


GREEEN MANURE
Materyales:

Mga legumbre katulad ng:

Munggo                                    Soya bean
Velvet bean                               Mani
Sesbania                                  Paayap

Pagtatanim:
1. Isabog ang mga binhi sa lupang tataniman
2. Hayaang tumubo ang mga halaman mula 30-45 na araw o hanggang
    sa panimulang pamumulaklak
3. Araruhin ang mga halaman at ihalong mabuti sa lupa


INULING NA IPA
1. Maghanda ng tuyong ipa, drum at pasingawan na screen
2. Magrolyo ng kalahating metrong screen, lagyan ng dyaryo sa loob at
    itayo sa gitnang bahagi ng drum
3. Buhusan ng ipa ang palibot ng screen sa loob ng drum, siksikin at  takpan ng lupa. Huwag     takpan ang singawan
4. Sindihan ang dyaryo at hayaang mag-apoy at mauling ang ipa
5. Maaari ng gamitin paglamig ng ipa


PAGGAWA NG PAMBOMBA SA PESTENG KULISAP AT SAKIT MULA
SA KATAS NG HALAMAN

Neem

1. Magdikdik ng 20 – 50 g buto ng neem
2. Ihalo sa 1 litrong tubig at ibabad magdamag
3. Salain at gamiting pambomba
Mahusay para sa:
Salagubang, aphids, bukbok, diamondback moth, stem borer, army worm, nematodes, mites, grasshopper, rice at corn borer, leafhopper, termite, leaf miner, fruit fly at iba pa.

Siling Maanghang

1. Magdikdik ng 25 piraso ng sili
2. Ihalo sa 1 galong tubig
3. Lagyan ng 1 kutsaritang sabon (Perla o Surf o
    ordinaryong Tide upang maging madikit)
4. Gamiting pambomba laban sa uod, aphids at
    iba pang malalambot at maninipis na katawang insekto.

Madre de Cacao

1. Dikdikin at katasin ang dahon at sanga
2. Bantuan ng tubig
3. Gamiting pambomba laban sa cutworm, flies, plant hopper

Amarilyo/Marigold

1. Dikdikin ang dahon, ugat at bulaklak
2. Ibabad sa tubig magdamag
3. Salain at gamiting pambomba laban sa nematodes, green leaf hopper,
   diamondback moth

Pulang Sibuyas

1. Magdikdik ng 1 kg. sibuyas
2. Ibabad sa 7 litrong tubig magdamag
3. Salain at gamiting pambomba laban sa mga sakit dulot ng amag tulad ng Cercospora,     Fusarium, Colletotrichum, atbp.

Bawang

1. Pakuluan ang 1 ulo ng bawang
2. Palamigin at gamiting pambomba laban sa Alternaria, Cercospora, Collettrichum, Curvularia,     atbp
Organikong Pagsasaka
  • Hindi gumagamit ng mga nabibiling pestisidyo at pataba.
  • Gumagamit ito ng maraming kompost, dumi ng hayop, kilib, green manure, binurong katas ng halaman, salit-tanim, palit-tanim,halo-halong pagtatanim at sunod-sunod na pagtatanim upang mapalusog ang lupa, masugpo ang damo, sakit at insekto, makatipid sa tubig at dalas ng pagdidilig.
  • Makakaani ng ligtas at masustansiyang pagkain.
  • Maiiwasan ang pagkalason ng lupa at tubig.
  • Mapapangalagaan ang kalikasan.
Dahilan ng Pag - oorganiko

  • Maiiwasan ang masamang epekto ng kemikal sa kalusugan ng katawan.
  • Maiiwasan ang masamang epekto ng mga pestisidyo sa kalikasan, hayop, buhay-ilang, lupa, tubig at hangin.
  • Maisasa-alang-alang at mabibigyang halaga ang lahat ng may buhay.
  • Isang magaan na paraan ng pamumuhay.
Mga Pamantayan sa Pag - oorganiko
  • Pagtatanim ng binhing galing sa organikong halaman
  • Paggamit ng organikong pataba
  • Hindi paggamit ng pestisidyo o lason sa pagsugpo ng peste at sakit.
  • Malayo sa tanimang gumagamit ng mga kemikal (pestisidyo atpb.)
  • Paggamit ng pamamaraang nagsasaalang-alang sa kalikasan at lahat ng mga nilalang

1 Vegetable and Special Crops Section
Crop Genetics and Plant Breeding Division
Crop Science Cluster – Institute of Plant Breeding
College of Agriculture
U.P. at Los Baños, College, Laguna


Source

Popular posts from this blog

Best Foliar Fertilizers Organic and Inorganic

The best and cheapest organic foliar fertilizer in town is 3K fertilizer , the cheapest and best inorganic fertilizer and foliar is chelated calcium . CLICK TO  BUY 3K FERTILIZER NOW 3K Fertilizer for healthier plants and soil , Anaa for continuous root and shoots development , Power Grower Combo for amazing growth and sweeter fruits , Heavyweight tandem for more and bigger fruits , Vibitall for bigger and fast growing plants , Chelated Calcium for more resistant plants and longer shelf life fruits, Silwet sticker for three times effect of foliar spray .  BUY CHELATED CALCIUM NITRATE READ: THE COMPLETE GUIDE ON HOW TO INCREASE CORN PRODUCTION IMPORTANT INFORMATION ABOUT FORTUNE LIFE INSURANCE  CORPORATION             Buy 3K Fertilizer             Buy Chelated Calcium Nitrate Buy Power Grower Combo Buy ANAA Buy Heavy Weight Tandem Buy Nimbecidine Buy Z-!0 xtra fungicide Buy VibiTall         Buy Silwet sticker Put back the original fertility of your soil using

The Complete and Updated Guide on How to Produce 10-16 tons Yellow Hybrid Corn in 1 Hectare

 The best and updated guide, direction for planting and producing corn is here. Read and follow the directions carefully to achieve the desired results. source First: Soil Requirements and months of planting   The best soil to be planted with corn is loam soil, it is a combination of sand, silt, and clay. But if you don’t have this kind of soil, sandy loam and clay can be considered if you can get the proper timing of planting. The best planting months are from September to February in some areas in Luzon, particularly central and northern Luzon. If it is not frequently raining in your area, you must have water pump or any source of water that could sustain the corn for growing until it will be harvested. Second: Inputs, the things you need to prepare, a month before planting. Be sure that they are available before you start. Approximate cost 50,000 BUY 3K FERTILIZER ·          2-3 bags hybrid seeds ·          8 sacks urea and 2 sacks complete fertilizer ·          3 corn planter (no n

Waiting in line for ATM withdrawal

 Tried waiting behind a withdrawing men or women who carried a lot of ATM cards to withdraw money. I waited for 10 minutes as next in line.